Tuesday, June 14, 2011

Para Kay Bamness ♥

"It's not the laminated certificates that we are proud of,
 it's the friendship that we have established within the team.."                               

 -Bambie


Tandang tanda ko pa kung ano ako nagsimula noon sa unang kumpanyang pinasukan ko. So far, yun pa lang naman ang napasukan ko.  Para akong grade1, lahat bago, lahat nakakapanibago. Mahirap kapag bago ka sa isang environment. Di mo alam kung may makakasundo ka, di mo alam kung tatagal ka. Maswerte ka kapag magaling kang makisama, mas maswerte ka kung pati yung mga tao sa paligid mo nakikisama. Medyo okey din yung deadma ka lang, tapos deadma lang din sila sayo. Nakakabagot yun pero mas okey kesa sa palibutan ka ng mga taong kupal makisama. Sa naging experience ko sa call center na pinasukan ko, ewan ko kung sinwerte nga lang ako sa mga taong nakasama ko, pero kung swerte nga yun, ipinagpapasalamat ko. 


Para akong bumalik sa elementary nung mga unang buwan ko sa opisina. Bukod sa wala pa akong alam tungkol sa pagtatrabaho, hindi ko din masyadong sineryoso nung una yung buhay na pinili kong pasukin nung nag-decide akong magtrabaho. Yung opisina namen, parang malaking playground para saken, hindi pa uso nun ang stress kasi nga, binabalewala ko lang lahat. Unti-unti ko na lang namalayan na mahal ko na pala yung trabaho ko. Ayy mali! Unti-unti palang pina-realize saken. 


Isa sa mga swerteng natanggap ko dun sa opisina ay yung tyaga at pasensya ng mga taong naging parang teacher ko. Hindi biro ang i-motivate ang taong kahit siya mismo, hindi alam kung san hinuhugot ang motivation para magpatuloy sa trabaho. Yun ang na-experience saken ng mga "teachers" ko sa opisina. Swerte nga siguro't sila ang nakasama ko. At mas tinatanggap kong swerte ang pagkakakilala ko sa mga teammates ko, sila yung mga araw-araw kong kasama no'n habang nagtatrabaho. Magaling silang makisama, kaya nakisama din ako. At hindi lang kame magkakatrabaho, magkakaibigan kame. Mas may lalim kumpara sa usual na relasyon ng magkatrabaho lang. 


Unahin ko ng ikwento yung unang taong nakasundo ko sa team, yung unang seatmate ko, yung unang taong nag-tyaga saken, yung pers lab ko sa opis, naks! Ganda ng intro! Ladies and Gentlemen, Ms. Genevieve Mae Barba. Clap! Clap! Clap!


Nickname: Bambie
Mas madalas ko siyang tawaging Bamness. Mataray siya nung una ko siyang nakilala. Pero hindi yun naging dahilan para hindi ko siya maging kaibigan. Usually kasi yun ang mga nakakasundo ko. At hindi nga ko nagkamali, di nagtagal naging uber close kame. Walang effort. Kasi parehas kameng nakisama sa ugali ng isa't isa. Kasi mga totoong tao kame, walang kaplastican. Genuine ang mga ngiti, lalo ang tawa. Pati pagsusungit, hindi itinago. Nagkakasakitan kame minsan, pisikal at emosyonal. Pero alam namen kung pano kame magkakasundo ulet. Samen ni Bam, hindi problema ang pag-uusap. Seryoso man o biruan, alam namen kung kelan dapat at hindi dapat pag-usapan ang mga bagay-bagay. Nagkahiwalay man kame, nag-uusap pa din kame pag may pagkakataon. Pag wala, kame ang humahanap ng pagkakataon. Di na siguro mawawala samen yung pagiging chikadora namen. Dun kasi kame lalong nagiging close.


Ehy and Bam

Ehyness and Bamness
Hindi ko na alam kung anu yung pinakamababaw na pinagtawanan namen o kung anu yung pinaka-seryosong pinag-usapan namen. Kung anuman yung mga yun, sigurado akong hindi yun ang last. Tatawa pa ulet kame together sa mababaw na dahilan, magkakaron pa ulet kame ng madameng seryosong usapan. At eto pa pala ang mas sigurado ako, she loves me, I love her.. Nakakatawa, pero seryoso.


No comments:

Post a Comment