Etong ishe-share ko ngayon, ay sinulat ko nung mga panahong nagpapakatanga pa ko at so in love sa isang guy na kung pwede lang ay burahin na sa alala ko, yung as in di ko na siya makikilala. Nung nabsa ko, tawa talaga ko ng tawa. Sobrang baduy ko para isulat pa yung mga bagay na sa ngayon, ay pwede kong sabihin na napakababaw. Pero gaya nga ng sinabi ko kanina, yun yung mga malalalim na bagay na talagang pinaghugutan ko ng emosyon, maisulat lang.
Paalala lang, yung blog entry na ishe-share ko ay sinulat ko nung bata pa ko. Corny, oo. Pero ishe-share ko na din. Kung pagtatawanan nyu ang kabaduyan ko, okey lang, nauna na kong tumawa sainyo. Eto,
From : My Multiply Account
Date Posted: Dec 10, 2008 2:08 AM
A Piece Of Bread
galit ako sa mga taong masamang ugali ang pinapakita saken.. pero kahit sabihin ng ibang tao na masama ka, hanggat hindi ako ang sinasalbahe mo, ay mamahalin pa din kita..palakaibigan ako.. isang napakabuting kaibigan sa lahat ng mabuti saken.. ngunit, subalit,datapwat, but, isa akong napakamalditang kaaway.. hindi man ako mananalo sa paraang alam mo, gagawa ako ng paraan para manalo sa paraang nalalaman ko.. maldita ako, oo..pero sa pagkakataong ito, kabaitan na lang naisipian kong isukli sa isang kaibigang hindi ko malaman kung san hinugot ang galit saken.. masasabi kong galit dahil nagawa na nya minsan, ginawa nya pa ulit..
ang kwento? eto..
nakilala ko si J.C., isang kapwa ko bakla, when i was in high school.. madalas ko lang sya makalaro ng volleyball noon, at makainuman tuwing may okasyon.. pero hindi pa kame gaanong close nun.. last year lang kame naging super close ng bonggang bongga dahil araw araw kameng magkasama sa training ng volleyball at araw araw ko syang nakakasama sa pagtambay.. nawalan kame ng communication kasi naging busy "daw" sya.. at nung magkita uli kame last month.. nakibalita sya kung sino ang jowa ko.. as a friend syempre gumawa ako ng way to introduce my partner to him, as what he had requested to me..naginuman kame kasama ang jowa ko.. at hindi ko akalain na yayakapin nya ang jowa ko sa harap ng mga kainuman namen..aaw! bongga ang exena.. at humalik pa.. at neng, hindi lang siya naka-isa, akalain mong ulitin pa.. oo, sumama ang loob ko nung una.. pero ayus na
diin ako nung makausap ko yung jowa ko.. nakampante ako nang sabihin ng jowa ko na,
"hindi ko siya papatulan noh! baket, kaya ba nya presyo ko?!" bongga! clap clap clap.. isang mataas na apir ang binigay ko sa jowa ko..
nagsorry si J.C. saken nung magkita kame ulit.. ayus na saken kung anumang nagawa nya.. tinanggap ko ang sorry because i was trying to be nice with him.. naging kaibigan pa din ako sakanya kahit sinasabi ng mga kapwa namen bakla na ahas daw si J.C. I was thinking of a lesson i've learned from the church, "Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.."
mahal ko ang nanay nanayan kong bakla.. si mommy jovic.. madami syang naituro saken sa mundo ng kabaklaan.. alam ko proud siya kapag may nababalitaan siyang isang bagay na nagpapakita na isa na kong ganap na bakla.. kaya naman gusto ko syang ipakilala sa jowa ko.. nung ipapakilala ko na siya sa jowa ko, naunahan ako ng kaibigan kong bakla.. tinuro nila kay mommy c boyfriend.. eto ang malupet na eksenang ikinapahiya ko kay mommy, si boyfriend, may kayakap na bakla.. sino? ang ambisyosang si J.C.
wala na kong ma-say sa ugaling ipinakita ni J.C. madalas akong tanungin ng mga kaibigan nameng bakla kung ano ang masasabi ko sakanya.. eto..
in all honesty and sincerity, eto ang tinapay J.C., may palaman pa.. (END)
Inuulit ko, matagal ko ng isinulat yan, shinare ko lang ulit. Gusto ko lang balikan yung mga dating kinwento ko. Para malaman ko kung ano ng pinagbago ko. Gusto kong makita yung mga kababawan ko dati. Para maalala ko yung pagkabata ko. Sinulat ko yan nung gaga pa ko. Eto yung mga parte ng nakaraan ko. Na ngayon ay pinagtatawanan ko na lang.
No comments:
Post a Comment