Wednesday, May 25, 2011

May's Day ♥

Kahapon, nagkaroon ulit kami ng dahilan para magsama-sama at magsaya. Cinelebrate namen ang birthday ng friend nameng si May Morishima, na mas madalas nameng tawaging Tayt. As usual, di mawawala ang alak sa celebration. May videoke din. Syempre, mawawala ba ang camera? Sinamantala ko na ang pagkakataon para makunan ko si May ng isang Bunny Shot, yun ang itatawag ko sa mga pictures na suot ang bunny ears. Yun ang naisip kong signature ng blog ko, magkokolekta ko ng mga bunny shots para mailagay dito sa blog ko. Wala namang angal ang mga friends ko sa mga ganitong arte ko sa buhay. Supportive sila, minsan kontrabida pero sa dulo, nagkakasundo din kami. Willing naman silang magpakuha ng bunny shot, pero sa ngayon, si May muna since siya ang bida, ito ang araw nya.



My friend May wearing bunny ears for her Bunny Shot!

Samantalahin ko na din 'tong pagkakataon na 'to para makagawa ng blog about May, since siya naman na ang bida sa entry kong ito. Nakilala ko si May sa isang Youth Club sa subdivision namen 9 years ago. Madali kameng naging close, friendly kasi ako, at friendly din siya. Schoolmates din kame nung highschool at pareho kameng varsity players ng volleyball kaya lalo kameng naging close. Madalas din kameng magkasama sa mga extra-curricular activities ng school kaya karamihan ng mga unforgettable moments namen nung highschool ay magkasama kame. Naranasan din nameng dalawa na maging host sa isang singing contest, toothyal! Pati mga activities sa subdivision namen pinatulan nameng dalawa. Nagkasama din kame sa isang stage play, yung kinita nung play ay napunta para sa pagpapagawa ng church namen. Wow! ngayon ko lang napansin, andame dame pala nameng sinalihang organizations at mga groups! At ngayon ko lang din na-realize na butihing mamamayan pala kame ng aming barangay dahil nakatulong kame sa pagpapagawa ng church! Hahaha.. Kung di ko pa isinulat para sa blog na to di ko pa mapapansin.


From Left to Right: Kenneth, Andy(EHY) and May, intruder si Kenneth! Hehe..
 Hindi natapos ang friendship namen ni May kahit nauna siyang nag-college. Hindi kami batchmates, ahead siya ng isang taon samen. Pero kahit hindi na kame schoolmates, madalas pa din kameng magsama. At nung nag-college ako, naging schoolmates ulit kame sa La Salle-Dasma. Nagkaro'n kame ng mga bagong friends pero hindi pa din kame naghiwalay, pinakilala nya ko sa mga bago nyang friends at pinakilala ko din siya sa mga friends ko. Hanggang sa nagtrabaho ako, hanggang sa nawalang ako ng trabaho, hanggang ngayon friends pa din kame. Nagkatampuhan na kame pero nagkaayos din. Hindi na talaga siguro kame mawawala sa sistema ng isa't-isa. Habambuhay na siguro kameng magkaibigan, Kahit na minsan nagkakapikunan at naaasar kame sa ugali ng isa't-isa, hindi naman namen nakakalimutan yung pinagsamahan namen. Natural lang din siguro sa magkaibigan yung nagkakaasaran. Parte yun ng pagkakaibigan, minsan nasasaktan kame sa nabibitawan nameng salita, pero marunong kameng patawarin ang isa't-isa. Kilala ko si May at kilala nya rin ako, tanggap namen ang lahat samen, mahal namen ang bawat detalye ng pagkakaibigan namen, ang bawat detalye ng pagkatao namen. Kung darating man yung time na magkakaron ng dahilan para magka-galit kame, gaano man kabigat yung dahilan, alam kong darating din yung time na mangingibabaw yung pinagsamahan nameng dalawa. Hindi biro ang tagal ng panahon na pinagsamahan namen. Lalong hindi biro ang ipagmalaking may kaibigan akong gaya ni May. Masaya ako at parte ako ng buhay nya, na parte siya ng buhay ko, na parte na kame ng sistema ng isa't-isa. ♥

No comments:

Post a Comment