From: My Multiply Account
Date Posted: Jul 2, 2009 4:12 AM
Finding Me Again
"its been a while!"
i saw my former trainer last week, and that's all she has told me since i was in a hurry to go back to my workstation after a 15 minute cigarette break while she was going out of the office..
kung nagkakwentuhan kame, at ikukwento ko lahat ng nangyari saken after the last day na nagkasama kame, mawiwindang siguro siya.. nung nakita ko siya, napaisip ako, anu-ano na nga ba nangyari saken since the last time na in-update ko siya sa mga kaganapan sa buhay ko..
i was just her trainee few months ago.. life is simpler during that time.. walang jowa, hindi ako masyadong pagod, contented, happy, walang pinoproblema.. chill lang sa lahat ng bagay.. i was the only one liable on everything i was doing.. unlike now, may mga bagay na maaaring naging pagkakamali ko pero sa iba ko sinisisi.. broken hearted din ako nung trainee pa lang ako, pero nung time na yun, madalas ako mag-inom para sumaya, pag lasing na ko, ok na.. ngaun, broken hearted ulit ako pero ayoko na maginom, kasi yung mga moments na lasing ako, kasama ko yung taong naging dahilan kung baket magulo isip ko.. so, to free myself from his memories, i opt not to drink just to forget him.. pag nalasing kasi ko, for sure, siya maaalala ko..
kung kukwentuhan ko yung trainer ko about sa status ko sa work, ok naman.. mare-regular na ko this july 12.. mas confident na ko mag-handle ng calls.. maganda din stats ko kaya mejo motivated ako to pursue this job.. comfortable na din ako sa team ko ngaun, friends ko lahat ng teammates ko.. infairness, mababaet silang lahat.. nagawa kong makisama kaya pinapakisamahan din nila ko.. madami nang nawala sa tranche(batch) namen na hinawakan niya noon, sayang pero yung iba, umalis for better career kaya siguro naman magiging happy na din siya for them.. and mas happy siguro siya for us, na nag-stay sa company..
I was the youngest in our tranche, kaya mejo nahirapan siya noon na i-motivate ako.. kasi ang tingin ko noon sa office namen, isang malaking playground.. at lahat ng nasa paligid ko, kung hindi ko kalaro, kaaway ko.. pero ngaun, im taking things more seriously pag trabaho na ang pinag-uusapan.. although hindi ganun ka-serious, mas binibigyan ko na ng value yung job ko ngaun.. unlike noon na parang relax na relax ako, pa-petix petix lang.. naaalala ko pa, kinausap nya yung isa namen tranchemate na bantayan ako at bigyan siya ng update sa mga kaganapan sa buhay ko.. at para malaman niya kung anung steps ang tini-take ko to learn more about the job.. effective naman yung mga ginawa niya..
sinikipan ko yung malawak kong mundo sa mga bagay na hindi naman kailangan ng masyadong atensyon.. im trying to fix all the mess i made.. kung sabagay, wala namang ibang dpat sisihin kundi ako.. i keep myself busy now para hindi ko masyadong mapansin yung pagtakbo ng panahon.. para kong nawala ng ilang buwan tapos nung nakita ako ng trainer ko, nakita ko din ulit yung sarili ko..
kung kakamustahin ako ng trainer ko, ok naman ako.. im happy but i miss myself.. and sooner, i'll find ME again.(END)
*** *** ***
Sinulat ko yan nung mga panahong bago pa lang ako sa pagiging call center agent. Sa pagkakatanda ko, kabe-break ko lang sa isang jowa nyan kaya medyo nag-e-emote ako, nagkasalubong at nagkabatian lang kame no'n ng trainer ko dati(Chay Robles yung name), naka-isip na ko ng isusulat at nakapag-emote na ko sa multiply. Haha! Isa pa lang yan, madame pa kong babalikan na dati kong blogs. Ishe-share ko ulit sainyo.
No comments:
Post a Comment