Sunday, July 17, 2011

Back To Work

May trabaho na ulit ako!!! At yun ang dahilan kung bakit di ako nakapagpost agad ng bagong blog entry. Bagong kumpanya, bagong environment. Bagong pakikisama. Nagsimula ang training namen nung 07-04-11. Di ko maiwasang hindi ikumpara yung bagong opisinang pinapasukan ko dun sa dati, aaminin ko, mas panalo sa facilities yung una kong pinagtrabahuan. Pero kahit ganun, di yun dahilan para di ko magustuhan yung opisinang pinapasukan ko ngayon. Masaya ako, yun ang importante.

Hindi ko alam kung lagi lang akong sinuswerte sa mga nakakasama ko, o sadyang marunong lang talaga kong makisama. Kasi, unang dalawang linggo pa lang, sobrang saya na namen ng mga kasama ko sa training. Mas masaya ko ngayon kumpara sa training namen dati dun sa dati kong pinagtrabahuan. Mas madame kasi ang bata samen ngayon. Call center pa din, pero madameng pinagkaiba, madame din pagkaka-pareho.

Ini-enjoy na namen bawat araw na magkakasama kame sa training, alam kasi namen na di na namen magagawa yung mga bagay na ginagawa namen ngayon kapag nasa production na kame. Pag nagkukulitan kame, parang wala kame sa training, para kameng nasa isang classroom. Para kameng highschool. Kaya sobrang saya namen. Sigurado mamimiss namen ang isa't-isa pag natapos na yung training. Sa ngayon, lulubusin muna namen yung mga araw na pwede kameng magharutan.

Di ko sigurado kung tatagal ako sa kumpanyang pinapasukan ko ngayon, di ko sigurado kung magiging ganun din ako kasaya gaya ng sa una, sa ngayon, masaya ko, yun ang importante.

2 comments:

  1. masaya ako para sau. at magiging masaya pa ako dahil sayo.. hehe

    ReplyDelete
  2. hahaha.. salamat! sana nga sumaya ka na din, you deserve it..

    ReplyDelete