Saturday, August 16, 2014

Ang Pait Ng Red Horse!

Alas dos y media ng madaling araw.

Mag-isa. Kakauwi lang galing trabaho. Nagiinom.

Lagpas kalahating bote na din ng Red Horse ang nainom ko.

Wala akong trip. Walang magawa. Walang makakwentuhan.

Isang bagay na hindi ako sanay maranasan.

Nalulungkot ako.

Mas lalong hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam.

Alam ko kung bakit ako nagiinom.

Alam ko din na ayokong maramdaman ulet o maranasan ulet 'tong ganito.

Kinukwento ko to hindi para mabasa ng iba.

Kasi kung kailangan ko ng makakausap, madaling humanap ng kahit sinong makakaramay o mapagkukwentuhan ng nararamdaman ko. Pero hindi yun ang kelangan ko sa mga oras na 'to.

Sinusulat ko 'to para mabasa ko ulet.

Sa future. Para may remembrance ako ng pagka-emo ko.

Madalas kasi kahit may dinaramdam ako, walang nakakaalam. Walang nakakaramdam. Walang nakakahalata. Walang nagtatanong.

Sinusulat ko 'to para balang araw may magpaalala saken na isa to sa mga malulungkot na moments ng buhay ko na ako lang magisa yung nakaalam. Ako lang yung nakaintindi sa nararamdaman ko. Para hindi ko na gustuhin ulet yung ganitong pakiramdam. Kasi ako din naman yung dahilan kung baket ko nararanasan ngayon 'to.

Isang lagok pa ulet ng alak.

Hindi na pala malamig!

Ang pait. Sing pait ng feeling ko ngayon.

Alam kong nagiging emo na ako.

Dapat sa mga oras na 'to, pinagtatawanan ko na yung sarili ko.

Pero hindi pa din e! Alam ko pag nakawala na ko sa feeling na ganito at mababasa ko tong sinulat ko, matatawa ako. Sana pag dumating yung time na yun, hindi ko na gustuhin ulet na dumating ako sa point na uulitin ko yung ganito.

Kasi hindi masaya. Hindi masarap

Ito yung isa sa mga pakiramdam na hindi ko gugustuhing maexperience ng iba.

Hinayaan kong madala ako ng kaunting kaligayahang naranasan ko.

Hinayaan kong maging weakness ko yung kaunting kaligayahan na yun.

Yung kaunting kaligayahang binigay nya saken.

Kasi akala ko okay na ulet ko.

Almost four years na din naman mula nung huli kong pinagbigyan yung sarili kong maging masaya pagdating sa... (okay, corny yung term pero wala ng ibang magamit e)



...pagibig.



Potah! ang corny nga! Hindi ko kinaya! muntik ako maduwal!

Ayun, napangiti ako dun ahh!

Siguro hayaan ko na lang munang maging malungkot yung sarili ko.

Kasi magiging okay din naman ako.

At pag nangyari yun, magpapainom ako!

No comments:

Post a Comment